Nasaan Ka?

Sa buong buhay ko, palagi nandiyan ang mga magulang ko; sa aking madidilim na panahon, o kaya sa aking pinakamasayang mga panahon. Ngugnit, hindi palagi ganito. Mayroon talagang mga pagkakataon na wala sila diyan, o nandiyan sila, pero hindi ka tinutulungan.

Noong ako ay sampung taong gulang, ang pinakamahina kong asignatura ay ang CLE. Ito ay dahil mahirap siguro ang mga pagsubok namin, o ang guro ay hindi masyadong magaling magturo; nakalimuntan ko na. Sa pangalawang antasan, ang aking mga pagsubok ay ayos naman, pwede na pang honor. Akala ko ay sigurado na akong magkakahonor ngungit mali pala ako dahul sa isang pagsubok na bumagsak ako.

Huling pagsubok na namin para sa ikalawang antasan. Wala naman akong bagsak na marka, at akala ko ang huling pagsubok ay madali. Sinabi ng guro namin sa amin na ang huling pagsubok ay mangyayari sa Biyernes. Sabi ko sa sarili ko na “Ah, kayang kaya ko na ito!”. Madali lamang ang pagsubok pero pagkadating ng aking marka, ay naka 9/15 ako. Naramdaman ko ang pagkalungkot at pagkatakot dahil hindi ako magkakahonor at magagalit ang aking nanay. Hinanda ko na ang aking sarili para sa pangyayari na magaganap.

Pagkadating ko sa bahay, sinabi ko agad sa nanay ko na bumagsak ako sa isang pagsubok at hindi na ako magkakahonor. Akala ko ay magagalit siya pero sinabi lamang niya sa akin: “OK. Bahala ka na. Pakita mo lamang sa akin ang iyong report card.” Nagulat ako dahil hindi ganito ang kanyang normal na reaksyon sa bagay na ito. Sa araw na iyon, nag-iisip ako kung bakit ganoon ang reaksyon ni nanay, ngungit hindi ako maka-isip na dahilan. Sa susunod na araw, tinanong ko ang aking nanay bakit hindi siya nagalit, at sinabi niya sa akin: “Dahil malaki ka na, at dapat bahala ka na kung paano dumiskarte.”

Minsan sa buhay natin, ang mga mahal natin sa buhay ay nandiyan, pero hindi tayo tinutulungan. Sinasabi natin sa sarili: “Nasaan ka kung kailangan ko kita?” Pero ganoon talaga ang buhay. Mayroon mga bagay na dapat tayo na ang mag-isip ng solusyon dahil matanda na tayo, at kayang-kaya na natin ito.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s