Blog Entry: Ako.ph

Ang Mga Masisipag ay Mayroon Mapapapla

     Kamusta mga tagahang! Nandito ang inyong paboritong basketbol player, galing Alaska Aces, si Patrick Lim, nagsusulat ng isang blog para sa inyo. Sinusulat ko itong blog na ito dahil gusto ko kayo matuto ng isang mahalagang aral. Ang aral na ito ay naging mahalaga rin sa akin noong ako ay nangangarap at nagprapraktis na maging isang sikat na manlalaro ng basketbol.

“Ang hirap naman nito! Hay nako!” “Problema talaga ito, parang ayaw ko na gawin. Bahala na!”  Ito ang mga kasabihan na kadalasan naririnig natin kapag mayroon mga gawain ang tao na mahihirap. Ngungit ito’y hindi isang magandang saloobin na mayroon ang mga tao. Para sa akin, walang mapapala ang mga hindi masipag gumawa at mga taong mabilis sumuko.

Noong ako ay nasa ika-pitong taon sa Mababang  Paaralan ng Xavier, marami kaming mga proyekto na ginagawa. Ang lahat ng proyekto na ito ay sinisikisik sa isang linggo lamang. Mayroon akong isang kaibigan na tamad tapusin ang mga proyekto. Isang halimbawa ay noong panghuling antasan ng taon: kailangan kami gumawa ng isang video tungkol sa Presidente na tinakda sa amin. Ang tinakda sa aking kaibigan ay si Presidenteng Marcos at dahil si Marcos ang presidente niya, kailangan niya magsaliksik ng maraming impormasyon tungkol sa kanya. Tatlong araw pa lamang pagkatapos itakda sa amin ang mga presidente namin, sinabi niya sa akin na susuko na siya dahil sobrang hirap raw ang kanyang presidente. Noong narinig ko ito, sinabi ko sa sarili ko na kailangan ko siya kausapin. Tinanong ko siya kung puwede kaming mag-usap sa Sabado at sinabi niya oo.

Dumating ang Sabado at nagkita kami sa harap ng Starbucks sa may Ash Creek. Doon kami nag-usap at sinabi ko sa kanya: “Bakit ayaw mo nang tapusin ang proyekto na iyan? Kailangan mo iyan para makakuha ng mataas na marka sa asignatura na ito.” Sinabi naman niya sa akin: “Eh, sobrang hirap ng tinakdang presidente sa akin at tamad na ako. Sobrang pagod na ako sa lahat ng mga proyekto na binibigay ng mga guro.” Sa puntong iyon, sinabi ko sa sarili ko na ang tigas naman nitong ulo niya at kailangan ko siya tulungan. Sinabi ko sa kanya: “Tutulungan kita para gawin ang proyekto na iyan. Ayaw kitang makita na makakakuha ng mababang marka. Sang-ayon ka ba?” Sinabi naman niya sa akin: “Huwag na. Ayos lamang iyon! Babuyan ko na lamang ang gawa para makapasa o kaya maka 75% lamang ako. Sige aalis na ako kailangan ko pa pumunta sa ibang lugar para kumain ng tanghalian kasama ng aking pamilya. Salamat Patrick sa iyong alok, pero ayos lang iyon.” Pagkatapos ng usap namin, umalis rin na ako at sinabi ko sa sarili ko bahala na siya.

Sa huli, ang aking kaibigan ay hindi nakakuha ng pasang-awa na marka. ‘Yun lang ang sinabi niya sa akin dahil ayaw niya sabihin ang kanyang totoong marka. Naawa naman ako sa kanya dahil isa siyang mabuting tao, pero naisip ko rin na karapat-dapat ang marka na iyon para sa kanya. Natutunan ko na ako dapat ay maging masipag rin dahil ayaw ko maging katulad ng aking kaibigan. Habang iniisip ko ito ngayon, nalaman ko na natututo ako sa isang karanasan galing sa aking kaibigan.

Ang gusto kong iparating sa inyo na walang mapapalang mabuti ang mga taong katulad ng aking kaibigan: tamad at madaling sumuko. Ito’y dahil sa buhay, kailangan tayong maging masipag dahil ang mga masipag ay mayroon makukuhang magandang grasya. Kahit gaanoman kahirap ang mga problema o proyekto sa eskwelahan, matatapos rin iyan kapag mayroon kayong sipag, tiyaga, at pinakaimportante paniwala sa Panginoon natin Diyos. Salamat sa inyong pagbabasa ng aking kaunang-unang blog. Sana suportahin niyo pa rin ako kahit anumang mangyari!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s