Wow Philippines

“Maka-Diyos, Maka-Tao, Makakalikasan, at Makabansa”. Ito ay ang moto ng bansang Pilipinas. Ang Pilipinas ay isang kakaibang bansa. Ito’y mayroon pitong libo isang daan pitong islas; ang pangalawang pinakamaraming islas sa Asya. Bukod sa binanggit ko, mayroon mas maraming magagandang katangian, bagay, at lugar sa basang Pilipinas.

Ang unang tatalakayin ko ay ang magagandang lugar sa Pilipinas. Isang marilag na lugar sa bansang ito ay ang Hagdan-hagdang Palayan ng Banawe na matatagpuan sa Ifugao (Ingles ay Banaue Rice Terraces) Ang lugar na ito ay kapansin-pansin dahil mukhang imposible itong gawin. Maniwala ka man o hindi, ito ay inilikha ng mga Igorot noon pa gamit lamang ang kanilang kamay at iba’t ibang gamit nila. Ginagamit ito ng mga Igorot (mga tao taga-Ifugao) hanggang ngayon para sa taniman ng palay. Higit sa taniman ng palay, ito ay isang pook palaging dinadaan ng mga turista; itinuturing din ito ng mga Pilipino na “Eight Wonder of the World” dahil sa kagandahan at kapansin-pansin na mag katangian. Isa pang katangi-tanging lugar sa Pilipinas ay ang Bulkang Mayon(Mayon Volcano sa Ingles). Matatagpuan ito sa Legazpi City, Albay. Katangi-tangi ito dahil sa perpektong hugis na ipinapakita nito; parang isang kono ang hugis nito. Ang Bulkang Mayon ay isang aktibo na bulkan, pero higit sa aktibo ito, isang magandang tanawin pa rin ang lugar na ito. Marami pang magaganda at kakaiba na lugar sa Pilipinas, ngungit ang dalawang lugar na ito ay ang pinakakilalang-kilala sa mga ibang bansa.

Mayroon din naman magagandang hayop sa Pilipinas. Isa rito ay ang Tarsier na matatagpuan lamang sa Bohol. Ang Tarsier ay ang pinakamaliit na unggoy sa buong mundo, maliit ang mata, paa, at kamay; ito ang mga dahilan kung bakit ito nakaka-iba sa ibang mga hayop. Ang Tarsier ay karaniwan natutulog sa umaga at gising sa gabi. Tuwing gabi, ito ay naghahanap ng pagkain niya para kumain; ang mga kinakain ng Tarsier ay maliliit na insekto. Ang pangalawang magandang hayop ay ang agila ng Pilipinas o ang Monkey Eating Eagle sa Ingles. Ang agila na ito ay ang pambansang ibon ng Pilipinas dahil sa laki at makaharing mukha nito. Ang agila na ito ay nalalagay na sa panganib dahil nawawala na ang mga bahay nito; mga isang daan na lamang ang natitirang agila sa Pilipinas. Ang agila ay isang magandang tanawin kaya dapat natin makita bago mamatay na ito lahat. Ang Philippine Eagle ay makukumpara sa Harpy Eagle ng Estados Unidos. Ito ay dahil ang dalawang agila na ito ay malakas, malaki, at ang kanilang tuka ay mayroon liko para sa kanilang paghahanap ng pagkain. 

Ang Pilipinas ay mayroon din magandang mga pista. Isa rito ay ang Sinulog Festival ng Cebu. Ito ay ang pinakamakulay na pista sa buong Pilipinas. Ang Sinulog Festival ay pinagdidiwang tuwing pangatlong Linggo ng Enero sa Cebu. Pinagdidiwang ito para sa karangalan ng Santo Niño. Ang Santo Niño ay ang batang Hesus sa lumang panahon, pero hindi na ngayon. Ito ay dahil dumating ang mga Kastilla at pinalitan ang relihiyon nila ng Katoliko. 

Ang mga Pilipino ay  mayroon isang katangian na nakakaiba sa ibang bansa: pagiging magiliw sa mga bisita. Tuwing darating ang mga bisita, tinuturing ng Pilipino ang mga bisita nang mahusay at maayos. Linalabas nila ang lahat ng pinakamagandang gamit, nagluluto nang masarap na pagkain, at pinapasyal ng todo para sa mga kanilang bisita. Kaya kapag ang mga bisita ay dumadating sa Pilipinas, masisigurado mo na parang pangalawang bahay ninyo ito.

Ang Pilipinas ay isang tunay na maganda at kakaibang lugar. Ang lahat na binaggit ko sa itaas ay ilan lamang sa magaganda lugar, bagay, katangian, o hayop sa Pilipinas. Kaya’t tara na, biyahe tayo. Upang ating matamo ligaya at pagkakaibigan, kaunlaran at kapayapaan. Halika, biyahe tayo ng ating makita ang ganda ng Pilipinas, ang galing ng Pilipino!

 

Salamat sa sumusunod: http://www.destination360.com/asia/philippines/images/s/banaue-rice-terraces.jpg, http://www.sinulog.ph/images/one-beat-one-dance-one-vision-sinulog.jpg, http://worldbirdwatching.files.wordpress.com/2011/01/philippine-eagle.jpg, http://www.youtube.com/watch?v=7CRmW0UWzWw,

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s