Photo Essay

 

 

Nakalipas na ang limampu’t limang taon mulang itayo ang Paaralang Xavier sa Maynila at mula noon maraming guro na rin nakapagturo rito. Ang aking larawan sa photo essay na ito ay ang logo ng Appreciation Komite, na taun-taon nagsasagawa ng isang espesyal na araw para lamang sa mga guro. Sa mata ng mag-aaral, hindi masyado importante ang mga guro; karamihan ng panahon, ngumingiting aso lamang ang mga estyudante para sila’y hindi mapagalitan. Nakakalungkot man pakinggan,  ito ang totoo. Araw-araw maraming pinagdadaan ang mga guro: estyudante na maiingay, nagtataingang kawali dahil galit sila sa guro nila, at malalaki ang ulo dahil akala nila alam na nila ang lahat. Kung tutuusin, ang mga guro ay basang sisiw na dahil sa lahat na pinagdadaanan nila araw-araw. Pero sa kabila ng mga pinagdadaanan nila para sa atin, wala silang atraso sa kahit isang mag-aaral. Kahit inis na inis na sila, nagdidilang anghel pa rin sila dahil ito ay ang tamang gawin at nakakapagbuti sa mga estyudante. Para sa akin, ang Paaralang Xavier ay hindi lamang isang eskwelahan na nagtuturo ng mga detalye para sa kolehiyo; ang Paaralang Xavier ay nagtuturo ng pagpapasalamat sa mga tao sa kapaligiran natin at maraming iba’t ibang aspeto. Sa bahay, tinuturuan tayo respetuhin ang mga mas matanda sa atin, pero sa Paaralang Xavier ko lamang natuto magbigay ng halaga sa lahat ng tao; lalong-lalo na sa mga guro: ang pangalawang nanay namin sa buhay.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s