Filipino PT #1: Florante at Laura

Florante at Laura: Panatilihin o Hindi?

     Ang Florante at Laura ni Francisco Balagtas ay isang akdang panitikan na kinikilala sa buong Pilipinas. Kahit ito ay popular, kadalasan ito ay nababale wala ng mga mag-aaral at kapwa nating Pilipino. Nagrereklamo ang mga estyudante na ito ay mahirap intindihin at wala naman daw silbi sa buhay nila. Sa aking paniniwala, ang mga pananaw ng mga estyudante ay hindi tama dahil bukod sa isang kwento tungkol sa pagmamahal, maraming aral na pwedeng matutunan kung babasahin at mabuting aaralin ang awit na ito. Ang mga aral na ito ay mauugnay ko sa mga iba’t ibang kasalukuyan na isyu sa lipunan natin at ito ay ang aking rason kung bakit dapat panatilihin ang Florante at Laura sa kurikulum ng mag-aaral sa pangalawang taon sa mataas na paaralan.

Ang unang dahilan na maiiugnay ko sa kasalakuyan na isyu ay tungkol sa istiryutipong ugali ng mga tao ngayon. Sa awit, ipinakita ni Balagtas na nagtutulungan ang isang Muslim at Kristiano. Noong panahon ni Balagtas, hindi nagkakasundo ang dalawang relihiyon at sila ay palaging nag-aaway. Ngungit, noong ang Kristiano sa awit ay malapit ng mamatay dahil kakainin sana siya ng leon, tinulungan siya ng Muslim kahit alam niya na iba ang relihiyon nila. Gusto ni Balagtas ipahayag sa mga tao na pwedeng magtulungan ang taong magkaaway o kaya’t magkalaban. Sa mundo ngayon, isang halimbawa ng istiryutipong ugali ay ang ating pangkalahatang tingin tungo sa mga eskwater dito sa Pilipinas. Ayon sa isang ulad na napanood ko mula sa GMA, inaakala ng mga tao na ang eskwater dito ay maruruming tao at walang kagalang-galang, ngungit ang pananaw na ito ay mali. Sa kakatapos na “Outreach Program” na aking sinalihan (ito’y naganap sa Payatas, lungsod ng Quezon), nakita ko na ang mga eskwater ay malinis naman at magagalang na tao. Sila ay mabit at tinatanggap ako sa pamamamhay nila. Sa huli, ang mga inakala ng tao ay dapat magbago. Ito ang isang dahilan kung bakit dapat panatilihin ang Florante at Laura sa kurikulum. Matutunan ng estyudante at ibang tao na huwag magkaroon ng ugali ng isang istiryutipong tao. Matutunan rin nilang huwag manghusga ng tao base lamang sa hitsura nila. Kung ang aral nito ay natuto na nila, mas magiging isang mabuting lugar ang lipunan natin.

Ang aking pangalawang dahilan ay matutunan natin kung paano gamitin ng mabuti ang ating kalayaan bilang isang mamamayang Pilipino. Sa Florante at Laura, mayroon isang lalaki nakagapos sa puno, nahihirapan at nagdudusa, ngungit mayroon pang leon na dumadagdag sa problema niya. Maikukumpara ko ang lalaki nakagapos sa puno sa mga Pilipino na naghihirap ngayon, at ang leon sa mga mayayaman na tao sa lipunan natin. Ito ay dahil minsan nakikita natin na nahihirapan na nga ang kapwa nating Pilipino, pero hindi natin sila tinutulungan. Minsan pa nga pinapalala pa natin ang kanilang sitwasyon sa buhay. Nagsigawa ako ng isang sarbey at tinanong ko ang sampung tao ang tanong: “Kung mayroon bata o tao naglilimos sa bintana ng kotse mo, bibigyan mo ba sila ng pagkain o pera?”; pitong tao nagsagot ng “hindi” at tatlong tao lamang nagsagot ng “oo”. Ayon sa sarbey na ito, nakikita natin na ang pangkalahatan ay hindi magbibigay ng pagkain o pera nila sa kapwang Pilipino na nagdudusa. Sinabi ng iba na baka sila ay kasali sa mga sindikato at ibibigay lamang nila ang gamit sa maling kamay, pero hindi na natin ito kasalanan. Ayon kay Padre Ortiz, isang padre sa Mary The Queen Parish, ang imporante kasi ay ang ating kaisipan na makatulong sa ibang tao. Pagkatapos nating magbigay, sila na ang bahala sa gamit na iyon at wala na tayong kasalanan sa mga aksyon nila. Kapag nabasa ng estyudante ang awit na ito, isang mahalagang aspekto sa buhay na pwede nilang matutunan: gamitin ang kalayaan nila para makatulong sa kapwang Pilipino na nagdudusa. Bilang isang demikratikong bansa, binibigyan tayo ng batas ng kalayaan at dapat tayo’y matuto paano gamitin ito ng tama.

Ilan lamang ito sa mga dahilan kung bakit dapat manatili ang Florante at Laura sa kurikulum ng ikalawang taon ng mataas na paaralan. Bukod sa ito ay isang klasiko na literatura ng Pilipinas, maraming aral na pwedeng matutunan para maging isang mas mabuting lipunan ang ating bansang Pilipinas.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s