Makonsensya ka Naman…

Sa apat na artikulo na ibinigay ng aming guro, ito ang aking pinakagustong bashin dahil ang iba ay normal na artikulo lamang. Sa aking pananaw, ang ibinahagi ng artikulo ay tama. Bawat na tao sa mundo na ito ay makakaranas ng konsensya (guilt sa wikang Ingles) sa isang punto ng buhay nila; at ako’y hindi eksepsyon. Ibabahagi ko ang isang karanasan na hindi ko makakalimutan.

Noong 2010, ang isang kamag-anak (relative) na hindi ko masyadong pinapansin. Ito ay dahil nag-away kami noong isang linggo at galit-galit na ako sa kanya. Ang nakakaiba sa karanasan na ito ay mas matanda ang kamag-anak na iyon, sa katotohanan siya ay ang aking tiya. Pinagalitan ako dahil hindi raw maayos ang mga gamit sa kwarto ko at hindi ako isang malinis na tao. Sa aking pagkainis, sinagot (answering back sa Ingles) ko siya kahit na dapat respetuhin ko siya dahil mas matanda siya. Pagkalipas ng pagyayari na iyon, hindi ko siya kinausap nang matagal na panahon. Sa oras na hindi ko siya kinakausap, pinag-isipan ko: (1) Mali ba ang ginawa ko tungo sa aking tiya?, (2) Alam ko na mas matanda siya sa akin, pero minsan sobra sobra na ang mga aksyon nola, tama pa rin ba ang ginawa ko?; (3) Sinaktan ko kaya ang damdamin ng tiya ko?; (4) Dapat ba magpaumanhin ako sa aking tiya? Pagkatapos ng panahon ng repleksyon, dahil naranas ko ang pagkakonsensya, tinawagan ko ang aking tiya at humingi ng kapatawaran sa kanya. Mabuti para sa akin na tinanggap ang aking paumanhin at pagkatapos, mas close na ako sa aking tiya.

Habang binabasa ko ang artikulo, ito ang pangyayari na iniisip ko sa aking utak. At noong tinapos kong basahin ang ang artikulo, sumang-ayon ako sa mga sinabi. Unang una, dahil sa konsensya, ang mga relasyon sa kalagitnaan ng mga tao— at ito ay ang nangyari sa akin. Pangalawa, dahil sa pagkokonsensya, naging mas malapit ako sa aking tiya at ngayon bihira na lamang kami nag-aaway; mas maraming mga masasaya na panahon, kaysa sa mga malungkot na panahon. Panghuli, naging mas sensitive ako sa damdamin ng aking tiya dahil ayaw ko siya masaktan ulit. Ang nakakataka rito ay ang mga saloobin na ito ay naunawaan ko lang ngayon, habang isinusulat ko ang blog na ito. Totoo nga ang pamagat ng artikulo na binasa ko: In Praise of Guilt.  Sa huli, nagpapasalamat ako sa aking pagkokonsensya dahil naayos ang relasyon ko at ng tiya ko at naging mas kamalayan sa emosyon o damdamin ng aking tiya.

Ilan sa mga knowledge issue na napagisipan ko ay:

  1. Paano natin malalaman kung pagkokonsensya nga ang nararamdaman ng tao, at hindi ibang damdamin o emosyon katulad ng pagsisisi o kaya lungkot?
  2. Sa anong paraan natin malalaman kung gaano kalawak ang mga epekto ng pagkokonsensya sa iba’t ibang tao?
  3. Paano natin mabuting masusuri ang tunay na epekto ng mga damdamin o emosyon sa bawat tao ng mundo?

Artikulo mula sa: http://www.psychologytoday.com/collections/201106/the-benefits-bad-feelings/in-praise-guilt

Imahe ay isang orihinal ni Patrick Lim.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s